Home OPINION 500% PAGDAMI NG HIV LABANAN

500% PAGDAMI NG HIV LABANAN

248
0

INIHAYAG ng Department of Health na dumami nang 500 porsyento ang nagkakasakit o nahahawaan ng human immunodeficiency virus na humahantong sa Acquired Immunodeficiency Syndrome.

Nauugnay ang pahayag ng DOH sa UNAIDS global report na lumaki sa 543% ang bilang ng may HIV infection mula 2010 hanggang 2023.

Nasa 189,900 ang may impeksyon ngunit maaaring aabot ito sa 448,000 sa 2030.

Sinabi naman ni Health Secretary Teodoro Herbosa na 148,831 ang may HIV sa Pinas.

Paliwanag pa niya, sa unang tatlong buwan lang ngayong taon, may 5,101 HIV kasong kumpirmado at mas marami ito sa nairekord na 3,409 noong unang tatlong buwan ng 2024.

May 50 kaso umano kada araw sa Pilipinas mula Enero hanggang Marso 2025.

PINAKA ANG MGA PINOY

Paliwanag pa ng DOH, mga Brod, habang bumababa ang nagkakasakit sa HIV sa maraming bansa, dumarami naman sa Pinas.

Ang Pinas ang may pinakamaraming kinakapitan ng HIV sa buong Western Pacific region na kinabibilangan ng China, Japan, South Korea, Taiwan, Australia, Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Vietnam.

Kasama rin sa Western Pacific region ang Fiji, Kiribati, Marshall Islands, Micronesia, Nauru, New Zealand, Palau, Papua New Guinea, Samoa, Solomon Islands, Tonga, Tuvalu, Vanuatu, Guam, Hong Kong, Macao, New Caledonia, French Polynesia, Pitcairn Islands, Wallis and Futuna, Tokelau, American Samoa, Cook Islands, Niue, Northern Mariana Islands.

NAKABABAHALA

Ang talagang nakababahala pa, mga Brod, ang mga Pinoy na nasa kanilang kabataan pa ang higit na biktima sa edad na 15-24 at may 2 anyos pa, ayon sa DOH.

Ayon naman sa UNAIDS, edad 20-34 ang labis na naaapektuhan.

At mariing sinasabi ng ahensya na higit na nahahawaan ang mga nakikipag-sex na mga lalaki sa kapwa nila lalaki at sumusunod lang ang sex sa lalaki at babae.

Dahil naman sa wala pa talagang masasabing tunay na gamot dito, libo-libo na ang namatay mula noong kinapitan ng HIV-AIDS ang nasa walong sex-worker sa Subic Naval Base sa Olongapo City na nagbibigay-aliw sa mga sundalong Amerikano noong 1984.

Sa pagitan lang ng 2020 at 205, may namatay na 4,146 at simula noong 1984, umabot na sa 9,221 ang namatay sa sakit na ito na pangunahing nakukuha sa pakikipag-sex.

PUBLIC HEALTH EMERGENCY

Dahil nga sa napakabilis na pagsirit ng HIV-AIDS na tiyak ding ikasisirit ng mga namamatay, lalo’t higit na mga kabataan ang biktima, nananawagan na si Herbosa ng pagdedeklara ng public health emergency rito.

Kapag may public health emergency, mapipilitang magtulong-tulong ang lahat ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para mapigilan ang pagdami ng mga biktima at makontrol nang husto ang nakamamatay na sakit.

Kabilang umano sa mga pangunahing gagawin ang pagpapairal ng HIV test na libre na, confidential pa.

Palalawakin din ang paggamit ng condom, lubricant and pre-exposure prophylaxis medicine na makababawas sa impeksyon.

Kailangan din ang regular na konsultasyon pagkakaroon ng antiretroviral therapy para sa mga nangangailangan.

Dapat bigyang-pansin ng mga kinauukulan ang kahilingan para sa public health emergency.

Malamang ding makalilikha ito ng higit na pag-unawa ng mga mamamayan sa sakit at magpartisipa sa gawain ng pamahalaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here