Home NATIONWIDE Draft resolutions na nagpapabasura sa impeachment ni VP Sara kinumpirma ni Imee

Draft resolutions na nagpapabasura sa impeachment ni VP Sara kinumpirma ni Imee

248
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Senador Imee Marcos nitong Miyerkules, Hunyo 4, na mayroong ilang draft resolutions na naglalayong ibasura ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, bagamat sinabi ng mga opisyal ng Senado na wala pang naihahaing kaugnay nito.

Ani Marcos, nakakita siya ng ilang bersyon ng draft resolutions sabay sabing wala pa rito ang naisapinal.

“One of the many drafts, na iba-iba ang pakay — parang pangatlo yan sa nakita ko, maraming versions, lahat ay naghahanap ng pinakamabisa at pinaka naaayon sa batas na solusyon, yung walang butas,” sinabi ni Marcos sa isang text message.

Ani Senate Secretary Renato Bantug Jr., wala pang ganitong panukala ang naihain sa Senate Bills and Index.

“I just had it checked sa Bills and Index, wala naman daw ganyang resolution,” aniya.

Ganito rin ang sinabi ni Senate President Francis Escudero kung saan walang panukala ang naihain hanggang nitong Martes ng gabi.

Matatandaan na kumalat sa social media ang larawan ng umano’y resolusyon na pumipigil sa impeachment ni Vice President Sara Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here