Home HOME BANNER STORY Inflation rate muling bumulusok sa 1.3%

Inflation rate muling bumulusok sa 1.3%

247
0

MANILA, Philippines – Patuloy na bumaba ang inflation rate sa Pilipinas sa ikaapat na magkasunod na buwan.

Umabot sa 1.3% ang inflation rate o bilis ng antas ng pagtaas ng pangunahing produkto ngayong Mayo mula 1.4% noong Abril.

Ito ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng kuryente, tubig, at iba pang utility.

Ang nasabing inflation rate na ang pinakamababang inflation rate mula Nobyembre 2019 at tugma sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang inflation rate mula simula ng taon ay nasa 1.9%, bahagyang mas mababa sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4% para sa 2025. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here