Home NATIONWIDE Klinik Kalayaan, parade, inihanda para sa pre-Independence Day celeb

Klinik Kalayaan, parade, inihanda para sa pre-Independence Day celeb

285
0

MANILA, Philippines – NAGHANDA ang gobyerno ng iba’t ibang aktibidad, kabilang na ang free medical services, na maaaring ma-avail ng publiko bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, sinabi ni Eufemio Agbayani III, Historic Sites Development Officer II ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), na kabilang sa magiging tampok ay ang Klinik Kalayaan sa Hunyo 10, mula alas-7 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon sa open-air auditorium ng Rizal Park, Luneta.

“This is spearheaded by the Department of Health and other government agencies. It aims to provide free medical services, especially among the underprivileged,” ayon kay Agbayani.

Iniimbitahan naman ang publiko na makiisa at dumalo sa nasabing aktibidad.

Sa nakaraan, nagbigay ang gobyerno ng libreng gamot, medical consultations, at wheelchairs.

Sa Hunyo 8, nakatakda namang lumibot ang trak ng bumbero sa mga lansangan sa Metro Manila para sa “Parada ng Pag-anyaya.” Itatampok nito ang mga volunteer firefighters at pangungunahan ng Filipino-Chinese community.

“So don’t panic when you see a lineup of firetrucks. That’s likely part of the parade, because we want to remind the public about the upcoming Independence Day,” ang sinabi ni Agbayani.

Sa Hunyo 12, ang parada ay pangungunahan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Mula Hunyo 10 hanggang 11, magtatayo naman ang mga ahensya ng gobyerno ng mga booths para ipakita ang kanilang serbisyo. Gayunman, hindi binanggit ni Agbayani ang lokasyon ng mga booths.

Sa Rizal Park, masasaksihan din ng publiko ang iba’t ibang floats at pagtatanghal sa festivals.

Samantala, magsasagawa naman ang AFP at Philippine National Police (PNP) ng isang static display na magpapakita ng kahandaan ng uniformed personnel.

Ang discounted agricultural products, damit, sapatos, bukod sa iba pa, ay maaaring ma-avail sa Rizal Park mula Hunyo 10 hanggang 11. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here