Home NATIONWIDE Isyu sa apprenticeship program, aaksyunan ng TESDA

Isyu sa apprenticeship program, aaksyunan ng TESDA

319
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga napaulat na paglabag sa apprenticeship program nito at sinabing nakikipagtulungan sila sa Department of Labor and Employment para tugunan ito.

Sa isang pahayag, sinabi ni TESDA Secretary Jose Francisco Benitez na kinokondena ng ahensya ang hindi tamang paggamit ng programa at nag-aalala sa mga paratang laban sa mga negosyo, partikular ang JBC Food Corporation.

Ang pahayag ay inilabas matapos ibunyag ni Senator Raffy Tulfo, sa isang privilege speech nitong Lunes, na maraming pabrika ang gumagamit ng apprenticeship program ng TESDA para bayaran ang mga manggagawa ng 75 porsiyento lamang ng minimum na sahod.

Sa isang panayam, sinabi ni TESDA Partnerships and Linkages Office (PLO) Director Floramel Joy Songsong na ang kanilang regional director for the National Capital Region ay kinumpirma na ang “JBC Food Corporation ay walang rehistradong programa para sa Apprenticeship.”

Ipinaliwanag ni Songsong na ang apprenticeship program, base man sa luma o bagong framework, ay nagbibigay ng karapatan sa mga apprentice ng 75 percent ng minimum wage bilang training allowance, hindi bilang suweldo.

Para naman sa mga kumpanyang nagbebenta ng underwear, sinabi ni Songsong na ang mga naturang kumpanya ay itinuturing na apprenticeable ngunit sa ilalim lamang ng lumang framework.

Kailangang matugunan ng mga negosyong interesadong makilahok sa apprenticeship program ng TESDA ang documentary requirement gayundin ang magbigay ng training plan na aaprubahan ng TESDA bago ito mabigyan ng registration certificate, na gagamitin bilang patunay sa pag-avail ng tax incentives na ibinigay sa ilalim ng batas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here