Home NATIONWIDE Mga asawa ng 3 marinong nakulong sa Algeria sa drug case, umapela...

Mga asawa ng 3 marinong nakulong sa Algeria sa drug case, umapela kay PBBM

270
0

MANILA, Philippines – Umapela sa Pangulong Marcos ang mga asawa ng tatlong seafarers na nakakulong sa Algeria dahil sa kasong droga, upang tulungan silang makauwi.

Nakadetine ang mga lalaki mula pa Hulyo 2023 at nakatakda ang huling paglilitis sa Oktubre.

Walo ang naaresto, ngunit lima ang napawalang-sala at nakauwi na; tatlong Pilipino ang nahatulan ng 15 taon.

“Hindi po namin kayang tiisin ang 15 taon. Mr. President, sana po tulungan ninyo kami. Inosente po ang aming mga asawa,” ayon sa isa sa mga asawa.

“Lumalapit kami ngayon at humihingi ng tulong sa Pangulong Marcos na kung pwede, eh may government to government na process or arrangement kung ano pa ‘yung diplomatic process na pwedeng gawin para po mapa-uwi na po yung mga asawa namin. Talagang inosente po sila at wala po sila kasalanan,” dagdag naman ng isa pang asawa.

Giit ng mga pamilya, inosente ang kanilang mga asawa at labis na naapektuhan ang kanilang kalusugan at pamilya.

Umaasa silang tutugon ang Pangulo sa kanilang panawagan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here