Home ENTERTAINMENT Netizens, may duda kay Gerald!

Netizens, may duda kay Gerald!

229
0

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Kapamilya aktor na si Gerald Anderson ang isyung hiwalay na sila ni Julia Barretto.

Ayon pa kay Gerald, walang katotohanan ang pinag-uusapang balita tungkol sa kanila ni Julia, huh!

Pero sa totoo lang, may iilan pa rin ang duda sa naging sagot ni Gerald tungkol sa estado ng relasyon nila ni Julia, huu!

Ayon sa nakausap naming malapit sa aktor, kahit itinanggi raw ni Gerald na hiwalay na sila at nabanggit pa na gusto na niyang magkaanak sa aktres, ay duda pa rin daw ang aming source sa naging pahayag niya, huh!

May mga hindi pa rin daw malinaw sa kanila na dapat ipaliwanag ni Gerald, huh!

Wala pa rin daw saysay ang mga sinabi ni Gerald kahit sinagot na ng aktor ang tungkol sa diumano’y hiwalayan nila ni Julia, huh!

Sa interview ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog, sinabi pa ni Gerald, “We’re okay. Kanina, hinatid ko siya sa airport, pupunta sila sa Dubai.”

Marami rin namang makapagpapatunay na inihatid nga ni Gerald si Julia sa airport kung saan may dinaluhan itong event sa Dubai!

Dagdag paliwanag pa ni Gerald na hindi raw naman dapat gawing basehan ang sinasabing nag-delete sila ng photos sa Instagram, huh!

Pero sa totoo lang, all-praises si Gerald sa karelasyon dahil manang-mana raw ito sa inang si Marjorie Barretto na very motherly, huh!

“Si Julia is very mapagmahal, very motherly, manang-mana siya kay Tita Marj, super!” saad pa ni Gerald.

“‘Yung values na meron siya, ‘yung love na binibigay niya, ‘yung support na binibigay niya—it inspires me to, you know, just be better and give her ‘yung 100% ko. Always ‘yung best version ko,” papuri pa ni Gerald sa limang taon na nga niyang karelasyon.

Aminado rin si Gerald na marami pa silang dadaanang pagsubok at mga lubak na magpapatibay lalo sa kanilang relasyon:

“Maraming bumps in the road but sometimes, I think, blessing din ‘yun kasi parang it made us even stronger. When you go through something like that and you see ‘yung partner mo is emotionally strong and supporting you, parang you know na it was worth it,” sey pa ni Gerald.

Dagdag pa ni Gerald, nakitaan pa nga raw niya si Julia na mas matured mag-isip kaysa sa kanya, huh!

Kasabay nito, inamin din ng aktor na gusto na nga raw niyang magkaroon ng anak.
– Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here