MANILA, Philippines- Sa susunod na limang taon, inaasahang mag-aalok ang Taiwan ng 180,000 job opportunities para sa caregivers, na bukas sa mga nais maging Filipino migrant workers.
Ayon sa ulat nitong Lunes, bumaba ang bilang ng Filipino applicants sa mga nakalipas na taon sa kabila ng lumalaking demand para sa caregivers sa Taiwan.
Sa ilalim ng kasalukuyang regulasyon ng Department of Migrant Workers (DMW), tinutukoy ang caregivers bilang household service workers sector. Sa klasipikasyon, ang kanilang monthly salary ay mahigit P20,000 lamang kaya kaunti lamang ang naeengganyo rito.
Pinagbabawalan din ang recruitment agencies na mangolekta ng placement fees at iba pang miscellaneous charges mula sa caregiver applicants.
Upang tugunan ang kakulangan ng mga aplikante at hikayatin ang mas maraming Pilipino na mag-apply, inihirit ng Association of Licensed Recruitment Agencies sa DMW na i-reclassify ang caregivers bilang semi-skilled workers. RNT/SA