Home HOME BANNER STORY Anti-POGO Bill, aprubado sa Senado

Anti-POGO Bill, aprubado sa Senado

212
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang anumang uri ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa buong bansa.

Tumanggap ng 23 affirmative votes ang Senate Bill No. 2868 o kikilalanin bilang Anti-POGO Act of 2025 at walang negative votes, at zero abstentions.

Inakdaan ang panukala nina Senador Sherwin Gatchalian, Bong Go, Raffy Tulfo, Pia Cayetano, Grace Poe, at Risa Hontiveros.

Ideneklara ng panukala na illegal ang anumang uri ng offshore gaming operations sa Pilipinas. Inaprubahan ito sa ikalawang pagbasa noong Hunyo 4.

Nakatakda sa panukala na mahaharap sa pagkakakulong nang hindi bababa sa anim na taon hanggang 12 taon at magmumulta ng P300,000.

Kapag napatunayan sangkot ang sinumang public officials o empleyado ng gobyerno, ipapataw ang maximum penalty.

Sunod-sunod na pina-imbestigahan ng Senado sa pangunguna nina Hontiveros at Gatchalian ang ilang POGO hubs na ginagamit sa human trafficiking at pang-aabusong sekswal at pisikal sa miyembro kabilang ang POGO hubs in Bambam, Tarlac, at Porac, Pampanga.

Sanhi ng imbestigasyon ng Senado, natuklasan ang tunay na pagkatao ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, bilang Guo Hua Ping, na sangkot sa maraming illegal activities ng POGO hub sa naturang bayan. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here