Home NATIONWIDE DOJ sa PNP: Paglaban sa kriminalidad dapat naaayon sa batas

DOJ sa PNP: Paglaban sa kriminalidad dapat naaayon sa batas

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Justice (DOJ) si Philippine National Police (PNP) chief General Nicolas Torre III na labanan ang kriminalidad sa loob ng hangganan ng batas.

Nilinaw ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, na suportado ng kagawaran ang kampanya ng PNP kontra ilegal na droga at ang iba pang krimen ngunit kailangan labanan ang kriminalidad sa paraan na naaayon sa batas.

“Kaya we are definitely supporting of General Torre’s mission and vision na hulihin ang mga kriminal dahil we should always be in a war against criminals, but of course, to do it the right way and put the right systems in place,” ani Clavano.

Iginiit ng opisyal na hindi rin katanggap-tangap ang quota system kaugnay sa pag-aresto ng mga kriminal.

“Alam naman natin na hindi ppwede ‘yun dahil hindi naman numero ang tao,” giit ni Clavano.

Nagbabala rin ang DOJ sa posibilidad na magresulta ng maraming reklamo laban sa mga pulis ang quota system.

“Sa amin lang, para hindi kami ma-flood o ma-congest ng mga cases against mga police officers, we just like to caution ‘yung ganung mga statements with or to pair it up with ‘yung tamang proseso,” dagdag ni Clavano. TERESA TAVARES