Home NATIONWIDE Kaugnayan ng POGO at pang-eespiya sa bansa, iniimbestigahan ng NBI

Kaugnayan ng POGO at pang-eespiya sa bansa, iniimbestigahan ng NBI

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng National Bureau of investigation (NBI) ang pagkakaugnay sa illegal na Philippine Offshore gaming Operators (POGOs) at espionage sa bansa.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Lavin sa pagpapatuloy ng pagdinig sa extrajudicial killings at illegal drugs sa House Quadcomm na kinukumpleto na nila ang datos at kapag nakumpleto na ang kanilang imbestigasyon ay kanilang isusumite ang kopya ng kanilang report.

Aniya, ang mga POGO operator ay lumipat ng ibat-ibang uri ng operasyon kasunod ng pagbbawal sa online gambling.

Ang bagong operasyon na kabilang dito ay ang financial scamming at espionage activities, ayon pa kay Lavin.

Sinabi ni Lavin na nakikipag-ugnayan ang NBi sa iba pang ahensya ng gobyerno kabilang ang BI, PNP at PAOCC para sa imbestigasyon.

Nauna nang sinabi ng Department of National Defense na anim na banyaga at dalawang Filipino ang nauugnay sa hinihinalang espionage at kidnapping activitie ang naaresto sa Grande Island, Subic Bay. Jocelyn Tabangcura-Domenden