Home NATIONWIDE Mga nag-aakusa laban kay BI Commissioner Viado, maglabas ng ebidensya-DOJ

Mga nag-aakusa laban kay BI Commissioner Viado, maglabas ng ebidensya-DOJ

243
0

MANILA, Philippines – Sinabihan ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano ang mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) na maglabas ng ebidensya hinggil sa reklamo ng korapsyon laban kay Commissioner Joel Anthony Viado.

Sinabi ni Clavano na mistulang white paper lamang ito at makabubuti kung may ilalabas na matibay na ebidensya o supporting evidence dahil para sa DOJ, tumalima sila sa direktiba ng Pangulo na bawal na ang POGO sa bansa at naideport na ang mga dayuhang empleyado ng POGO.

“Mino-monitor ho natin ang development na ‘yan sa Bureau of Immigration ngunit hindi naman nagkulang ang Department of Justice at si Sec. Remulla sa pagpaalala nila sa mga Bureau of Immigration officials na linisin ang mga ranks ng Bureau of Immigration,” ani Clavano.

Magugunitang nakatangap umano ang Office of the President ng anonymous letter na nag-aakusa kay Viado ng katiwalian kaugnay sa pagpapadeport ng mga dayuhan na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Nagpalabas na ng statement si Viado at itinanggi ang mga paratang.

Sinabi ni Viado na dahil sa kanyang ipinatutupad na mga reporma, binalaan na siya na maaaring gantihan siya ng ilang indibidwal na kasama sa underground operations.

“We have also been warned that a senior BI official, who is now pretending to be a whistleblower and who tried to pressure the Office of the Commissioner to release a Chinese national linked to a powerful political figure from the previous administration could be behind this smear campaign,” ibinunyag ni Viado. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here