Home NATIONWIDE Pagbabalik ng classroom decors pinayagan ng DepEd

Pagbabalik ng classroom decors pinayagan ng DepEd

563
0

MANILA, Philippines- Binaligtad ng Department of Education ang kautusang baklasin ang visual aids, larawan ng mga pambansang bayani at nakaraan at kasalukuyang mga presidente mula sa classroom walls ng mga pampublikong paaralan.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na hindi mahigpit ang departamento sa DepEd Order 21 na ipinatupad ni dating DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte na nagtatanggal ng visual aids kabilang ang mga dekorasyon, tarpaulin, at posters sa mga pader ng mga silid-aralan.

“Hindi naman kami strikto diyan ngayon. Kung ‘yun ang gusto nung mga learners at ng mga teachers, pwede naman silang magkabit,” pahayag niya. Aniya pa, ang visual aids ay pagpapahayag ng pagkamalikhain at makatutulong sa pagkatuto.

Matatandaang binatikos ng ilang teachers’ groups ang “bare walls policy” ni Duterte, sinabing ang visual aids ay educational materials at hindi panggulo sa mga estudyante. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here