Home NATIONWIDE Senado walang kapangyarihan ibalik impeachment complaint sa House – solon

Senado walang kapangyarihan ibalik impeachment complaint sa House – solon

227
0

MANILA, Philippines – Binatikos ni San Juan Rep. Bel Zamora ang hakbang ng Senado na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte, dahil wala umano itong kapangyarihan para gawin ito.

“Siyempre kami, nanonood buong gabi ay nagulat, na-shock ulit sa ginawang aksyon ng ating senators. Kasi for us, remanding the Articles of Impeachment back to Congress is beyond the powers of the Senate. Wala po silang kapangyarihan na gawin ang pag-remand na ‘yan,” anang solon sa isang interbyu sa radyo.

“Remanding it or returning it to Congress is an act of review of the Senate. Hindi nga po ito trabaho ng Senado as an impeachment court dahil ang trabaho nila as impeachment court is to try and decide the case,” dagdag pa ni Zamora.

Giit niya, trabaho ng Senado ay litisin at magdesisyon sa kaso, hindi i-review o ibalik ito.

Tiniyak ni Zamora na sinunod ng Kamara ang proseso sa pamamagitan ng pagsasanib ng mga reklamong inihain at pagtanggap ng sapat na boto.

Ipinahayag din niya na itutuloy ng Kamara ang paglilitis sa 20th Congress at magpupulong ang mga prosecutor upang pag-usapan ang susunod na hakbang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here