CEBU CITY- Sa loob ng ilang linggo, binantayan ng law enforcers ang tip ukol sa isang indibidwal na nagtutulak umano ng ilegal na droga.
Nagulat ang mga operatiba ng Station 6 ng Cebu City Police Office nang matuklasan na totoo ang impormasyon at isang 16-anyos na lalaki ang sangkot.
Matapos makumpirma ang impormasyon, naglunsad ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasagip sa binatilyo nitong Miyerkules, sa Barangay Pasil sa lungsod na ito.
Nasabat mula sa binatilyo ang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P35,000.
Base sa mga pulis, itinuro ng mga pulis ang lalaki bilang sangkot sa pagkalat ng ilegal na droga sa Pasil.
Ayon sa mga pulis, nagsasagawa ng follow-up upang matukoy ang mga indibidwal na nagsusuplay ng ilegal na droga sa binatilyo. RNT/SA