Home NATIONWIDE P2.3M illegal na droga nasabat sa buybust sa Batangas

P2.3M illegal na droga nasabat sa buybust sa Batangas

234
0

MANILA, Philippines – Nasa mahigit sa P2.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang magkasunod na buybust operation sa Brgy Calicante, Batangas City.

Batay sa nakalap na report, bandang alas 6:59 ng gabi nang nagsagawa ang Drug Enforcement Team ng Batangas City Police at PDEA ng isang buybust operation sa nasabing barangay kung saan naaresto ang mga suspek na si alyas Cristene, nasa hustong gulang at nasa High Value Individual Target ng pulisya (HVI).

Nakumpiska sa mga ito ang tatlong plastic sachet ng shabu na may timbang na mahigit sa 100 gramo at may halagang P680,000.00

Bukod rito dakong alas 10:47 naman ng gabi nang ilatag din ng grupo ng Batangas City Drug Enforcement Unit ang isa pang buybust operation sa Brgy Bolbok, Batangas City kung saan naaresto ang tatlong suspek na kinilalang sina alyas Jomel, alyas Ryan at alyas Joven.

Base sa lumabas na impormasyon, kapwa nasa listahan din ng High Value Individual ng pulisya ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang isang belt bag kung saan naglalaman ng may pitong plastic sachet na shabu na aabot sa mahigit sa 245 gramo at may halagang P1,666,000.00.

Nakuha rin sa suspek ang isang Suzuki Motorcycle na may plate number 949ONR. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here