Home HOME BANNER STORY Unang kaso ng mpox sa Tarlac, kinumpirma

Unang kaso ng mpox sa Tarlac, kinumpirma

295
0

MANILA, Philippines – Mayroon na ring unang kaso ng Monkeypox o mpox sa Tarlac.

Sa Facebook page ni Tarlac Governor Susan Yap, kinumpirma ng Tarlac Provincial Health Office ang unang kaso ng mpox sa kanilang probinsya.

Binanggit din sa nasabing post na nagsasagawa na ng contact tracing ang sektor ng kalusugan at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para mapigilan ang lalo pang pagkalat nito.

Ang mpox ay naisasalin sa pamamagitan ng close intimate physical contact kabilang ang sexual contact.

Kaya naman ang Provincial Health Office ay hinimok ang publiko na sumunod pa rin sa minimum health standard tulad ng paghuhugas ng kamay, social distancing at bumisita sa health center kung may nararamdaman o sintomas.

Samantala, may iniuulat din umanong unang kaso ng mpox sa Sogod, Southern Leyte ngunit hinihintay pa ang kumpirmasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here