MANILA, Philippines – Nagsagawa ng matagumapy na marijuana eradication operation ang mga tauhan ng Lanao del Sur Police Provincial Office (LSPPO) sa bulubunduking lugar ng Sultan Dumalondong, Lanao del Sur, nitong Huwebes, Hunyo 19.
Ayon kay newly installed LSPPO Director, Col. Caezar P. Cabuhat, target ng operasyon na inilunsad 6:30 ng umaga ang nagpapatubo ng marijuana na si “Rupug.”
“After confirming the location of the marijuana plantation, the operation was launched in an area of about 2,000 square meters in the mountains of Sultan Dumalondong,” saad sa pahayag ni Cabuhat.
Tatlong indibidwal na pinaniniwalaang nagpapatubo ng mga marijuana ang naaresto.
Kasabay nito ay binunot din ang 5,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P1 milyon.
Nagdesisyon ang pulisya na sunugin ang bahagi ng mga nasamsam na marijuana plants sa mismong lugar, at ang iba ay dinala para magsilbing ebidensya sa paghahain ng reklamo laban sa mga suspek.
“While the burning process was ongoing, gun bursts were heard from the southern part of the operation site. When our troops responded, the unidentified shooter managed to evade apprehension,” ani Cabuhat. RNT/JGC