Home LIFESTYLE HEALTH N. Mindanao pinasok na ng mpoxLIFESTYLEHEALTHMETRONATIONWIDETOP STORIES N. Mindanao pinasok na ng mpoxJune 21, 2025 09:292110 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Kinumpirma ng mga opisyal ng kalusugan ang unang kaso ng mpox (monkeypox) sa Northern Mindanao.Kinabibilangan ng isang lalaking pasyente mula Ozamiz City, Misamis Occidental. Ginagamot siya ngayon sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center.Ayon sa DOH-Region 10, natukoy sa pagsusuri na Clade II ang variant ng mpox—mas banayad kumpara sa Clade Ib.Agad namang ipinag-utos ni Ozamiz Mayor Henry Oaminal Jr. ang contact tracing at hinikayat ang mga may sintomas na magpatingin.Pinayuhan din niya ang publiko na sundin ang mga protocol ng DOH kaugnay sa kalinisan at disinfection upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. RNT