Home HOME BANNER STORY Panukalang pagbubuwis sa US remittance, maliit lang epekto sa Pinas — Malakanyang

Panukalang pagbubuwis sa US remittance, maliit lang epekto sa Pinas — Malakanyang

1122
0

MANILA, Philippines – Maliit lamang ang inaasahang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ng panukalang buwis ng Estados Unidos sa mga remittance ng foreign workers, kabilang ang overseas Filipino workers (OFWs), ayon sa Malacañang.

Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, na batay sa pagtaya ng Department of Finance (DOF), nasa 20% lamang ng 4.4 milyong Pilipinong nasa US ang maaaring maapektuhan ng panukalang buwis na 3.5% sa remittance, sakaling maisabatas at ipatupad simula Enero 1, 2026.

Bagama’t 41% ng kabuuang remittances ay dumadaan sa US, nilinaw ni Castro na hindi lahat ng ito ay galing sa mga OFW sa Amerika, dahil ginagamit lang umano ang mga bangko roon bilang routing channel.

Tinatayang aabot lamang sa $100 milyon ang posibleng mabawas sa remittance, mula sa projected na $36.5 bilyon sa 2026—katumbas ng 0.003% na pagbaba sa GDP.

Gayunman, aminado ang Malakanyang na posibleng maramdaman ito ng mga pamilyang umaasa lang sa padala mula sa US. Kung ipatutupad ang buwis, magiging $96.50 na lang ang marereceive sa bawat $100 na ipinadala ng OFW.

“While the impact to the overall economy is minimal, it may be substantial for families who solely rely on remittances,” ani Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here