Home METRO M-6.1 lindol yumanig sa DavOcc

M-6.1 lindol yumanig sa DavOcc

232
0

MANILA, Philippines – Isang lindol na may lakas na magnitude 6.1 ang yumanig sa karagatang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental nitong Sabado ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.

Naganap ito alas-7:07 ng umaga at may lalim na 79 kilometro, tektoniko ang pinagmulan. Ang epicenter ay nasa 85 km timog-silangan ng Sarangani Island.

Naramdaman ang Intensity V sa Glan at Malungon sa Sarangani, at Pantukan sa Davao de Oro. Intensity IV naman ang naitala sa ilang bahagi ng Sarangani, South Cotabato, Davao del Sur, Davao City, Davao Occidental, at Davao de Oro, kung saan nagsagawa ng pansamantalang evacuation ang ilang estudyante at empleyado sa Davao City. Intensity III ang naramdaman sa mga kalapit na bayan.

Walang inaasahang pinsala ngunit posible ang mga aftershock.

Walang banta ng tsunami, bagama’t maaaring magkaroon ng bahagyang paggalaw sa tubig-dagat malapit sa epicenter.

Una itong iniulat bilang magnitude 6.9 ngunit kalauna’y ibinaba sa 6.1. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here