MAKARAANG bitayin ng Japan kamakailan ang nang-tsaptsap sa siyam katao, karamihan 15-26 babae, may 106 pang bibitayin.
Kamakailan lang, binitay sa lubid si Takahiro Shiraishi, 34, dahil sa pagtsaptsap sa kanyang mga biktima saka ilagay sa mga cooler.
Ginamit ni Shirashi ang Twitter, ngayo’y X, upang bingwitin ang kanyang mga biktima na nagpapahayag ng kagustuhang mamamatay kaya tinawag itong Twitter Killer at nangyari ito noong 2017.
Bago nito o noong 2022, binitay rin si Tomohiro Kato na pumatay ng pitong tao noong 2008.
Sinadya nitong pumatay nang mang-upa ito ng malaking truck na kanyang ginamit para araruhin ang isang lugar na may maraming tao.
Makaraan nito, bumaba siya sa truck at kanyang pinagsasaksak ang mga biktima ng bangga ng tuck hanggang mamamatay sila.
Binitay rin ang 12 miyembro ng kultong Aum Shinrikyo makaraang nilang pasabugan ng Sarin gas ang Tokyo subway na ikinamatay ng 14 katao at ikinasakit ng iba pang libong inosenteng mamamayan noong 1995.
Pinamunuan ni Shoko Asahara ang pag-atake ng Sarin gas at binitay siya, kasama ang kanyang mga tauhan nang sabay-sabay.
Todo suporta ng mga Hapon ang bitay bilang parusa at kailangan na kailangan para maparusahan ang mga may mga karumal-dumal na krimen.
Lumabas na 83 porsyento ng lahat ng Hapon ang pabor sa parusang bitay at nitong Disyembre 2024, lumabas na 107 ang bibitayin pa at kasama na rito si Shiraishi.
Sa batas ng Japan, isinasalang sa bitayan ang isang convict anim na buwan makaraan itong mabigong magtagumpay sa apela o mapatunayan na inosente siya sa bintang na krimen.
Sa Pilipinas, patay-sindi ang paggawad ng parusang bitay at pinawalambisa ang Republic Act 7659 para rito.
Hinaharang ang parusa ng nakararaming mambabatas lalo’t sa RA 7659, kabilang ang pandarambong o pagnanakaw ng P50 milyong pondong bayan sa mga may parusang bitay.
Anong sey nyo, mga brad.






