Home HOME BANNER STORY Aksyon sa parusa ng Tsina vs Tolentino, DFA na bahala – Malakanyang

Aksyon sa parusa ng Tsina vs Tolentino, DFA na bahala – Malakanyang

239
0

MANILA, Philippines – IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtugon sa naging desisyon ng Tsina na pagbawalan si dating senator Francis Tolentino na makapasok sa mainland China maging sa Hong Kong at Macao bilang parusa sa kanyang pagbanat sa nasabing bansa dahil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Tinanong kasi si Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang kung nakarating na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ng Tsina na patawan ng kaparusahan si Tolentino sa naging posisyon nito sa usapin ng WPS.

“Ito naman po talaga ay naibalita, pero iyang katanungan po na iyan ay ibibigay po natin sa DFA, kung ano po ang kanilang magiging tugon,” ayon kay Castro.

Iyon nga lamang, giit ni Castro na hindi mapatatahimik at hindi mapagbabawalan ng Tsina ang mga tunay na pilipino na ipagtanggol ang anumang karapatan ng bansa at maritime rights nito.

“Kung anuman po ang naging dahilan ng China sa pag-ban kay Senator Tolentino, kanila po itong desisyon. Pero ang bawat Pilipino, ang tunay na Pilipino at ang mga Pilipino na pro-Philippines, hindi nila ito mapapatahimik at hindi nila ito mapagbabawalan na ipagtanggol kung anuman ang karapatan natin sa ating bansa at sa ating maritime rights,” ang sinabi Castro.

“Ang sabi nga ng Pangulo, we will not yield even an inch of our territory to a foreign power,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Sa ulat, tinawag ng tagapagsalita ng Chinese foreign ministry na “egregious conduct” ang ginawa ni Tolentino na nagtaguyod sa Senado ng Philippine Maritime Zones Act.

Binigyang-diin ng tagapagsalita na ipagtatanggol ng gobyerno ng China ang pambansang soberanya, seguridad, at interes sa pag-unlad sa kabila ng mga pahayag ng mga tinaguriang anti-China politician mula sa Pilipinas.

“For quite some time, driven by selfish interests, a handful of anti-China politicians in the Philippines have made malicious remarks and moves on issues related to China that are detrimental to China’s interests and China-Philippines relations,” naka-post sa website ng Chinese Ministry of Foreign Affairs.

Sinabi naman ni ­Tolentino na kinikilala niya ang sanctions o parusang ipinataw sa kanya ng Tsina dahil sa ginawa niyang pagtatangol sa mga mamamayang Filipino.

“I acknowledge the sanctions imposed on me by China for defen­ding the rights, dignity and sovereignty of the Filipino people in the West Philippine Sea,” ani Tolentino.

Tinawag din ni ­Tolentino na “badge of honor” ang sanction na ipinataw sa kanya ng Tsina. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here