Home NATIONWIDE Mga mangingisda nagprotesta sa harap ng Korte Suprema

Mga mangingisda nagprotesta sa harap ng Korte Suprema

300
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta ang nasa 300 mga mangingisda mula sa siyam na siyudad at probinsya tulad ng Quezon, Cavite, Bataan, Zambales, Batangas, Bulacan, Navotas, Las Pinas, at Paranaque.

Kasama rin ang kitawan ng NGO for Fisheries Reform (NFR) para kalampagin ang Korte Suprema na ilaan ang 15 kilometrong municipal na katubigansa maliliit na mangingisda.

Bitbit nila ang effigy ng barkong pangisda na sumisimbolo sa mga malalaking komersyal na bangkang nangingisda sa loob ng 15 kilometrong munisipal na katubigan.

Ayon sa PANGISDA-Pilipinas, dapat para sa maliliit at artisanal na mangingisda ang nasabing katubigan.

Ngunit pinayagan ito ng Korte Suprema matapos pagtibayin ang desisyon ng Malabon RTC noong Agosto 2024.

Apela ng mga mangingisda sa Korte Suprema ba agad tugunan ang kanilang Motion for Intervention, ngunit halos isang taon mula nang ilabas ang resolusyon at tatlong buwan mula nang isampa ang pinakahuling Motion for Intervention, pero nanatiling tahimik ang pinakamataas na korte sa kahilingan ng mga maliliit na mangingisda.

Giit ni Pablo Rosales, tagapangulo ng PANGISDA, “Huwag hayaang dambungin ng mga kapitalista ang munisipal na katubigan. Dinggin ang panawagan ng mga maliliit na mangingisda.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here