Home HOME BANNER STORY Iba pang gastusin sa iskul mula kinder ‘gang grad school, pinalilibre ni...

Iba pang gastusin sa iskul mula kinder ‘gang grad school, pinalilibre ni Cayetano

257
0

MANILA, Philippines – Inihain ni Senator Alan Peter Cayetano ang panukalang “Makakapagtapos Ako Act of 2025” na layong tanggalin ang lahat ng hadlang sa edukasyon mula kindergarten hanggang graduate school.

Sakop ng panukala ang libreng gamit sa eskwela, uniporme, at learning materials para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.

Mandato rin nito ang pagkakaroon ng Local Government Educational Assistance Program sa bawat lungsod at bayan para sa mga estudyanteng nasa kolehiyo—pampubliko man o pribado—lalo na ang mula sa mahihirap, mga academic achiever, at nasa priority courses.

May tulong din para sa kumukuha ng licensure exams, master’s at doctorate degrees, tech-voc courses, at para sa mga estudyanteng may kapansanan, katutubo, at solo-parent households.

Nakapaloob din ang ₱25 bilyong taunang pondo sa loob ng 10 taon para sa imprastraktura, pasilidad, at dormitoryo ng mga state universities and colleges (SUCs).

“We recognize that education is a vital key to social progress and human development, and we are committed to sharing and realizing this vision for the rest of the country,” anang senador.

“(Thus), we need to come up with a good law na hindi lang scholarship kundi from birth pa lang, how to get to college, at paano makapagtapos,” dagdag pa niya.

Ayon kay Cayetano, hango ang panukala sa programa ng Taguig City na nagbibigay ng malawakang suporta sa edukasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here