Home OPINION PASASALAMAT SA COVID PARA SA MAG-AARAL

PASASALAMAT SA COVID PARA SA MAG-AARAL

301
0

PUMATAY ang Covid-19 ng 694,820 mula 2019 hanggang 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Totoo man ito o hindi, at napakasakit at napakalungkot man ang mamatayan, nagbunga naman ito ng malaking bentahe sa 27 milyong mag-aaral ngayon.

Nasa halos 25 milyon ang sakop ng Department of Education habang nasa 2 milyon ang nasa kolehiyo ngayon.

Una, natutunan ng pamahalaan ang gumawa ng paraan para magkaroon ng tuloy-tuloy na pasok sa eskwela sa gitna ng mga pagkakasakit at kamatayan.

Ikalawa, natutunan ding pagsumikapan ng lahat ng mga magulang o guardian ang tumugon.

Ikatlo, kumilos ang ibang mga mamamayan at civic organizations para makapagbigay ng ayuda sa mga iskul at estudyante at titser ng mga pangangailangan nila.

Ikaapat, naging aktibo ang lahat ng local government unit sa pamimigay ng lahat ng ayuda na makakayanan nila para sa mga estudyante, titser at iskul at kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Departments of Information and Communications Technology at Social Welfare and Development.

Pangunahin sa mga nilikha ang online classes, hybrid online at in-person classes at iba pa.

Naging magastos ang pagbili ng mga gadget, pag-subscribe sa wifi at telephone lines at iba pa.

Ngunit kahit paano, nairaos ang ilang taon ng Covid-19 na pag-aaral at marami ang nakatapos mula sa elementarya hanggang sa mga kolehiyo at graduate studies gaya ng mga abogado, doktor, engineer, social worker, titser at iba pa.

Ngayong tag-ulan, tag-bagyo, tag-habagat, tag-baha at tag-landslide, tiyak na muling pagaganahin ang mga online at hybrid classes.

Isipin pang kumuha rin ang DepEd ng nasa 20,000 guro at staff ngayong taon na nagpapagaan sa mabigat na pasanin ng mga titser.

Anoman ang mangyari, kahit pa sa gitna nang pagkasira ng mga iskul sa mga bagyo, ulan, habagat, baha at landslide, naging malaking pundasyon sa sistema ng pag-aaral ang ibinunga ng Covid-19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here