Home METRO Lalaki umakyat sa poste ng kuryente sa Muntinlupa, lapnos

Lalaki umakyat sa poste ng kuryente sa Muntinlupa, lapnos

271
0

MUNTINLUPA, Philippines – Nagtamo ng paso ang isang lalaki ngunit nakaligtas ito matapos umakyat sa poste ng Meralco sa kahabaan ng National Road sa Barangay Putatan, Muntinlupa nitong Hulyo 5 ng gabi.

Sinabi ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na ang lalaking may problema sa kalusugan ng pag-iisip, ay nailigtas ng mga tauhan sa pamamagitan ng paggamit ng manlifter para ibaba siya sa puwesto.

Bago ang insidente, na nangyari bandang alas-10 ng gabi, malapit sa Muntinlupa City hall, makikita sa isang video na ipinost ng isang netizen sa Facebook ang lalaking naglalakad sa mga kable ng kuryente.

Ang Muntinlupa City Fire Station ay nagpadala ng isang trak na may mga tauhan na nagtangkang iligtas siya.

Gayunpaman, nagpatuloy ang lalaki sa paglalakad sa mga kable hanggang sa marating niya ang isang poste ng kuryente at inakyat ito. Ilang sandali pa, may nakitang sparks.

Sinabi ng alkalde na ang lalaki ay nagtamo ng paso sa 30 porsiyento ng kanyang katawan nang hawakan niya ang isang high tension wire.

Dinala siya sa Muntinlupa Medical Center para magamot ngunit inirekomenda ng doktor na ilipat siya sa Philippine General Hospital (PGH) Burn Unit para sa kanyang mga sugat.

“Ang sunog sa katawan niya ay hindi lang sa balat kundi pati sa loob ng katawan dahil nga high voltage na kuryente ang dumaan sa kanya” ayon sa Facebook post ng Mayor.

Dumating si Biazon sa lugar bandang 10:30 ng gabi at tumawag ng tulong sa Meralco. Itinaboy din niya ang mga nanonood na nakaaapekto sa negosasyon sa lalaki.

Nagtalaga ng mga tauhan mula sa Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management (MCDDRM), Philippine National Police, Muntinlupa Traffic Management Bureau at barangay para pamahalaan ang mga tao at trapiko.

Sinabi ng alkalde na naroon ang pamilya ng lalaki para alagaan siya. Isang ambulansya mula sa MCDDRM ang magdadala sa kanya sa PGH.

Pansamantalang pinatay ang kuryente dahil sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here