Home METRO Mahigit 2,000 katao inilikas bunsod ng pagbaha sa Zamboanga

Mahigit 2,000 katao inilikas bunsod ng pagbaha sa Zamboanga

270
0

ZAMBOANGA, Philippines — Mahigit 2,000 katao sa iba’t ibang barangay sa Zamboanga City ang lumikas sa kanilang mga tahanan kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan nitong Sabado.

Nakapagtala ang City Disaster Risk Reduction Management Office ng 2,374 na pansamantalang nananatili sa mga evacuation center. Ang mga evacuees ay mula sa barangay Sta Maria, Lunzuran, Tugbungan, Boalan, Guiwan at Tumaga.

Makalipas ang ilang minuto ng hatinggabi nitong Linggo, tatlong evacuation center na lamang ang nanatiling bukas, kung saan 50 pamilya ang patuloy na naghahanap ng masisilungan sa sentro sa Barangay Tumaga.

Ang pagbaha ay resulta ng habagat na pinalakas ng Tropical Storm Danas na nagdulot ng isolated rains at thunderstorms sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here