Home OPINION SEX AT KIKBAK NG MGA LIDER NG BANSA

SEX AT KIKBAK NG MGA LIDER NG BANSA

249
0

MAY isang bansa na natataranta ang mga lider nito dahil sa pagkakasangkot sa sex at kikbak sa mga kontrata sa gobyerno.

Espanya o Spain ito na kumolonya sa atin nang mahigit 300 taon simula noong panahon nina Lapu-Lapu at Raha Humabon noong 1521 hanggang ibenta tayo nito sa mga Kano noong Disyembre 10, 1898 sa halagang $20 milyon.

Noong panahong iyon, puno rin ng kwentong sex ang buhay-Kastila, lalo na ang mga prayle o pari katulad ni “Padre Damaso” na nang-rape ng Pinay na si “Dona Pia Alba” at doon ipinagbuntis at ipinanganak si “Maria Clara”.

Walang namang gaanong kwentong kikbak kundi ang sobrang pagkaganid sa mga lupain at negosyong Galleon ng mga Kastilang mananakop na pinagsamang mga pari at lider-pulitika noon.

2 MINISTRO SA SEX, 1 SA KIKBAK

Ang naghaharing partido ngayon, Socialist Party, sa Espanya ang kinukulapulan ng iskandal sa sex at kikbak.

Pinamumunuan ang partido mismo ni Prime Minister Pedro Sanchez.

Pinagkukukurot at pinagsisisipa sina Sanchez ngayon ng maraming mamamayan dahil sa mga gawaing ito.

Si Santos Cerdan, isang mataas na opisyal ng partido ni Sanchez, ay nakakulong ngayon dahil sa korapsyon o kikbak at pagbili ng aliw mula sa mga sex worker.

Nag-resign naman si Francisco Salazar makaraan siyang isumbong ng mga babaeng kanyang pinakikitaan ng mga “inappropriate behavior”.

Iniimbestigahan naman si dating Transport Minister Luis Abalos dahil sa mga kikbak sa mga kontrata sa kanyang departamento.

Ngayon, mariing ipinahahayag ni Sanchez na dapat itigil na ng mga lider ng kanyang partido at pamahalaan ang pagbili ng aliw sa mga prosti at maging ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Serbisyo publiko at hindi kamunduhan at pagnanakaw ang kailangan ng mga mamamayan, sigaw ni Sanchez.

EX-MAYOR, KONGRESMAN AT MATAAS NA OPISYAL

Biglang naalaala ng ating Uzi ang buhay-sex ng isang namayapa nang naging mataas na opisyal ng ating gobyerno.

Minsang nag-birthday ito noong mayor pa ito, isinara ang isang klab sa kanyang lungsod para lang makapanood ang lahat ng kanyang mga opisyal ng mga bold dancer.

Mga pulis ang guwardiya sa paligid ng klab at naging malaya lahat na uminom, tsumibog at manood ng mga nagsasayaw na hubo’t hubad na napakagagandang babae sa ilang oras.

Very happy lahat ng mga lalaking opisyal na umuwi sa kani-kanilang mga misis at pamilya.

Hindi namang malinaw kung bumili ng aliw si mayor ngunit meron siyang exclusive secretary at empleyada na misis ng isa niyang opisyal at kasangga sa pulitika na kanyang biningwit hanggang sa nakamatayan na niya ito.

Naging kaulayaw ni mayor na naging kongresman at naging mataas din na opisyal ng gobyerno ito bagama’t walang nasilip ng ating Uzi na korapsyon ito sa kaban ng bayan.

Ang kanyang naging kalaban na mayor at kongresman na buhay pa ngayon ang nagsiwalat noon na sangkot sa matinding korapsyon kaya yumaman ito nang husto bagama’t hindi sangkot sa extra-sex marital sex.

Guess na lang kayo kung sino-sino sila, mga Brod!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here