Manila, Philippines – Viral ang pagkalat ng photos nina Bea Alonso at Puregold President Vincent Co sa idinaos na Puregold OPMCon 2025 sa Philippine Arena.
Magkasama kasi silang dumalo sa nasabing milestone OPM event para manood ng star-studded concert na kinabibilangan ng pinakamamalaking pangalan sa music entertainment industry tulad ng BINI, James Reid, Yeng Constantino, Flow G, G22, Skusta Clee, SunKissed Lola, KAIA, Mayonnaise, Rico Blanco at SB19.
Sighted din kasi silang magka-holding hands sa naturang event.
Ang siste, pinagkaguluhan ang power couple noong mauupo na sana sila sa kanilang designated seats kaya wala silang choice kundi ang bumalik sa kanilang holding area.
Sa pagkakaalam namin, pinili na lamang nilang manood ng concert in a private room.
Present si Bea sa naturang iconic na ganap para suportahan ang nabanggit na show na inorganisa ng Puregold bilang bahagi ng matagumpay nitong ‘Nasa Atin Ang Panalo’ campaign.
Record-breaking naman ang concert dahil jampacked ang audience nito na pinuno ang venue.
Ano pa nga ba naman ang hahanapin mo kung may BINI at SB19 ka na at iba pang tanyag na OPM names sa industry?
Siyempre, pasabog ang naging performances ng mga tinitiliang group sa bansa gaya ng BINI at SB19.
First time na nakipag-collab ng BINI kay James na idolo ng number one all-girl group sa bansa.
Well-applauded ang mash up number nila ng “Secrets” (BINI) at “Di Bale. (Reid).
Di naman nagpakabog ang phenomenal Pinoy Pop icon na SB19 na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakipag-collab sa dating Rivermaya front man na si Rico Blanco sa awiting “Dungka”.
Kinagiliwan din ang pag-awit ng G22 at ng OPM icon na si Yeng Constantino ng “Salamat”, isa sa greatest hits ng dating PBB housemate turned singer-actress.
Ang girl group na Kaia na nakilala sa debut single na “Blah Blah” ay standout ang naging collab sa Mayonnaise sa rendition nila ng “Jopay.”
Inawit naman ng rapstar na si Flow G ang Puregold song na “Atin ang Panalo.”
Nagpakitang gilas din sa nasabing concert ang Sunkissed Lola at ang rapper na si Skusta Clee.
Ang OPM Con na nag-viral at dinumog ay handog ng Puregold sa kanilang loyal patrons.
Ayon nga kay Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold: “Matagal na kaming naniniwala na ang koneksyon namin sa mga suki ay higit sa pamimili at pagbabayad sa checkout counter. Natutuwa kami na sa pamamagitan ng Puregold OPM Con 2025, ay nakapagbibigay kami sa kanila ng isang panoorin at hindi makakalimutang karanasan sa isang gabi ng musika, talento, at pagdiriwang ng talinong Pinoy.” Archie Liao