Home NATIONWIDE Operasyon ng sumabog na gun facility sa Marikina, ipinatigil ng DOLE

Operasyon ng sumabog na gun facility sa Marikina, ipinatigil ng DOLE

253
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pansamantalang pagpapatigil sa trabaho sa isang gun manufacturing facility sa Marikina City kasunod ng pagsabog na ikinasawi ng manggagawa.

Ito ay matapos maglabas ng Work Stoppage Order (WSO) si DOLE-National Capital Region Director Sarah Mirasol sa pasilidad ng Armscor Global Defense Inc. upang masiguro ang kaligtasan ng 90 manggagawa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang mga manggagawang apektado ng WSO ay mabibigyan ng kinakailangang tulong.

Sa insidente ng pagsabog, dalawang manggagawa ang namatay at isa pa ang nasugatan.

Ayon kay Laguesma, isinasagawa ang imbestigasyon upang malaman ang dahilan ng pagsabog.

Sa panig naman ng Armscor, sinabi ni Chairperson at President/Chief Executive Officer Martin Tuason na magbibigay ang kumpanya ng lahat ng kinakailangang tulong at suporta sa pamilya ng dalawang namatay na manggagawa.

Sinabi rin ni Tuason na ang sugatang empleyado ay nakalabas na sa ospital. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here