Home NATIONWIDE DNA ng mga kaanak ng missing sabungeros aalamin kung tugma sa narekober...

DNA ng mga kaanak ng missing sabungeros aalamin kung tugma sa narekober sa Taal Lake

271
0

MANILA, Philippines – Nakakuha na ng DNA samples mula sa 12 kaanak ng mga nawawalang sabungero upang maitugma sa mga nakuhang mga labi ng tao sa Taal Lake.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, nakuha na nila ang DNA samples mula sa 12 kaanak.

Kung magtutugma umano ang mga sample mula sa kaanak at mga narekober na labi, mapatutunayan nito na patay na nga ang mga nawawalang sabungero.

“I was informed that 12 of the relatives of the missing sabungeros have had their DNA profiles taken so we are just waiting for the official result that will be issued by the Forensic Group if there is a match to the possible human remains that we obtained during the three to four days of retrieving operations in Taal Lake,” sinabi ni Fajardo sa isang press briefing nitong Lunes, Hulyo 14.

“Well, if there is a positive match, it will be the most significant development of this case. [A] breakthrough because this will prove our earlier assumptions that the 34 missing sabungeros were indeed killed,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay mayroong limang sako ang naiahon mula sa Taal Lake.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay sinabi ni alyas Totoy, o whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, na ang 34 nawawalang sabungero ay itinapon sa Taal Lake sa Batangas.

Si Patidongan ang isa sa anim na security guard na inakusahang dumukot sa mga sabungero.

Kalaunan ay sinabi ng whistleblower na sila ang nagtali ng wire sa mga biktima bago itapon ang mga ito sa lawa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here