DETERMINADO si Bureau of Customs Comm. Ariel Nepomuceno na huwag biguin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa tiwala sa kanyang kakayahan na ireporma ang Bureau of Customs para sa mas epektibong pagtugon sa tatlong malalaking “hamon” nito: makolekta ang higit P958 bilyon na ‘target collection’ ngayong taon, labanan ang ‘smuggling’ at kontrolin ang talamak pa ring korapsyon sa loob nito.
Sa aming kwentuhan noong Biyernes, kasama sa kanyang reporma ang patuloy na mapataas ang kredibilidad ng ahensiya sa mata ng publiko at pasiglahin pa ang transaksyon sa pantalan, dalawang bagay na apektado ng talamak na ‘conflict of interest’ sa BOC.
“Kalakaran” na kasi ngayon na bukod sa pagiging opisyal/empleyado ng BOC, sila na rin ang ‘customs brokers’ at ‘importer’ ng mga kargamento, hanep!
Sa kabuuan, ‘total reboot’ ang asinta ni Comm. Ariel, kasama na ang planong ‘back-to-mother-unit’ ang lahat ng mga empleyado habang nirerepaso ang kani-kanilang ‘performance.’
Para sumigla ang negosyo, ibabalik ang “pantay-pantay” na pagtrato sa lahat ng ligal na kargamento.
Translation? ‘No more ‘SP’ (special privilege) sa mga “pinagpala” (karamihan ay opisyales ng BOC) at tigil na rin sa milyones na ‘enrollment fee’ ng mga importer sa ilang mga korap na opisyal ng BOC para mabigyan sila ng SP, sistemang naging talamak sa termino ni Pang. Rodrigo Duterte.
Aniya pa, dapat na ring matigil ang estilo ng ilang mga customs examiners/appraisers na garapal kung “tumara” sa mga broker na kung walang “gaybi” ay “iipitin” at “pahihirapan” ang paglalabas ng mga kargamento ng brokers at importers.
Ang payo natin? Huwag ninyong subukan si Comm. Ariel dahil sigurado, “mamalasin” kayo, mga bossing dahil kung hindi ‘administrative case,’ ‘hardship post’ ang babagsakan ninyo, pramis!
Abangan!






