Home OPINION COCAINE, TUNAY NA NAKAMAMATAY

COCAINE, TUNAY NA NAKAMAMATAY

344
0

BATAY sa ulat ng Hollywood LA News vlog, nagkatotoo na ang dating tsismis ukol kay Juan Paolo Tantoco, isang tagapagmana ng malaking retail company na Rustan, na namatay ito sa paggamit ng cocaine.

Ibinatay ng nasabing vlog ang balita nito sa ulat ng deputy medical examiner ng Los Angeles County nitong Hulyo 9, 2025.

Sa ibang ulat, kinilala ang nasabing examiner na si Dr. Raffi Djabourian at kasama nito sa imbestigasyon ang isang Laura Araujo.

Nakapaloob ang kaso ni Tantoco, 44, sa case number 2025-04377 at dito nakarekord ang pagkamatay niya noong March 8, 2025, Sabado, 12:05 p.m.

Namatay siya nang aksidente o hindi sinasadya sa overdose o “cocaine effects” sa loob ng Beverly Hilton Hotel na matatagpuan sa 9876 Wilshire Boulevard, Beverly Hills, California.

Kasama sa ikinamatay nito ang “Probable Atherosclerotic Cardiovascular Disease” o sakit sa puso at nagbarang ugat na daluyan ng dugo.

Lumabas pa sa ulat na “He was in the United States apparently as part of the entourage of Liza Araneta-Marcos, First Lady of the Philippines, who was promoting the Manila International Film Festival in Hollywood from March 4 to 7… The MIFF’s tribute gala was held on March 7 at The Beverly Hilton.”

Hindi naman naglabas ng pahayag ang pamilya Tantoco at kailangang respetuhin ito.

Nauna rito, ayon pa rin sa nasabing vlog, namatay rin sa cocaine accident o overdose ang Pinay na si Theresa Joy Sto, Domingo sa loob ng kanyang bahay sa Canoga Park, California noong Agosto 23, 2022.

Bigla rin natin naalaala ang pagkamatay ni painter Bree Jonson sa isang resort sa San Juan, La Union noong Setyembre 2021, sa ulat na rin ni dating Police Regional Office 1 Director Police Brigadier General Emmanuel Peralta.

Babala, mga brad: Cocaine nakamamatay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here