Home METRO Cebu, binaha, nilandslide kay Crising, habagat

Cebu, binaha, nilandslide kay Crising, habagat

267
0

CEBU, Philippines – Naiulat ang pagguho ng lupa at pagbaha sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Cebu dahil ang Southwest Monsoon (Habagat) at Tropical Depression Crising na nagdulot ng masamang panahon sa ilang bahagi ng bansa, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes, Hulyo 17.

Sa ulat nito, sinabi ng NDRRMC na tatlong insidente ng landslide ang naiulat sa Barangay Lagtang sa Talisay gayundin sa Barangay Apas at Barangay Poblacion Pardo sa Cebu City.

May kabuuang 19 na insidente ng pagbaha ang naiulat sa ilang barangay ng Talisay, Mandaue, at Cebu City. May kabuuang 17 seksyon ng kalsada at isang tulay ang naging hindi madaanan ng mga motorista.

Limang tao ang lumikas, ayon sa NDRRMC.

Matatagpuan ang Crising sa layong 520 kilometro silangan hilagang-silangan ng Juban, Sorsogon o 470 kilometro silangan hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng tropical depression ang lakas ng hanging aabot sa 55 km kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kph.

Kumikilos ang Crising pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here