Home OPINION FAKE NEWS VS FAKE NEWS SA COCAINE

FAKE NEWS VS FAKE NEWS SA COCAINE

267
0

ANO ba talaga ang totoo sa kaugnayan ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagkamatay sa cocaine ni Paolo Tantoco sa kanyang kwarto sa Beverly Hilton Hotel, California, United States noong Marso 8, 2025?

Sa ngayon, walang masabi ang pamilya Tantoco at minabuting manahimik sa pangyayari, kasama ang asawa ni Paolo na si Deputy Social Secretary Dina Arroyo-Tantoco na nakatalaga sa opisina ni FL Liza.

Ang pagkakasangkot dito o hindi ni FL Liza ang sentro ng kontrobersya, partikular ang paggamit ng cocaine.

Ayon kay Manila Times columnist Rigoberto Tiglao, may police report sa pagkamatay ni Tantoco.

May mga cocaine na nagkalat sa kwarto at nadatnan ng mga police si FL Liza, Dina at isang Alexa Maru.

Pero itinuring naman ito mismo na fake news ni Palace spokesman PCO Undersecretary Claire Castro na peke umano ang police report at gawa-gawa lang ng mga obstructionist na mediamen para sirain ang First Lady, si Pangulong Bongbong Marcos at ang administrasyong Marcos.

Paliwanag ni Castro, ibang hotel ang tinirhan ni FL Liza at hindi opisyal na kasama sa kanyang delegasyon si Tantoco para sa Manila International Film Festival noong March 4-7, 2025.

Fake news naman ang tawag ng mga kritiko sa paliwanag ni Castro.

Umentra naman si Senator Imee Marcos at sinabing dapat magpaliwanag ang Palasyo ukol sa police report, partikular ang kaugnayan ni FL Lady sa pangyayari “before, during and after” sa pangyayari.

Para sa atin, pinakamahalaga ang punto ni Manang Imee.

Ang kritikal at hindi malinaw na usapin dito ay kung may kasamang nag-cocaine si Paolo o wala.

Dahil may kapangyarihan ang Palasyo na umalam ng katotohanan sa pangyayari, dapat gumawa ito ng paraan na makakuha ng buong police report at ito ang ipakita mismo ng Palasyo.

Diyan tayo lalaya sa sumpa ng fake news.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here