Home HOME BANNER STORY Laurel, Batangas nalulugi na sa isyu ng missing sabungeros; state of calamity,...

Laurel, Batangas nalulugi na sa isyu ng missing sabungeros; state of calamity, idedeklara

232
0

BATANGAS, Philippines – Pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ng Laurel, Batangas ang pagdedeklara ng state of calamity matapos bumagsak ang bentahan ng isda sa Taal Lake dahil sa ulat na itinapon dito ang mga bangkay ng nawawalang sabungero.

“Sa mga susunod na araw po pinag-uusapan na po kasama po ang DSWD, MSWD para naman po sa agarang tulong po para sa mga affected,” ayon kay Municipal Administrator Bienvinido Mayuga.

Nagbigay na ng relief goods sa 500 mangingisda at nakatakda pang magsagawa ng livelihood programs.

Nilinaw ng LGU na ligtas kainin ang tilapia mula Laurel, na cultured at pinapakain ng commercial feeds.

Bumagsak din ang turismo sa bayan matapos kumalat ang isyu. Santi Celario

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here