Home NATIONWIDE Korean Education Group, nag-alok ng scholarship program sa Manileño

Korean Education Group, nag-alok ng scholarship program sa Manileño

243
0

MANILA, Philippines – “Annyeong Haseyo!”

Magandang balita sa mga kabataang Manileño ang hatid ni Manila Vice Mayor Chi Atienza at ng Konseho ng Maynila, partikular sa mga nais makapag-aral at magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho sa bansang Korea.

Nakipagtulungan ang Konseho ng Maynila at si Vice Mayor Atienza, na nagsisilbing Presiding Officer, sa Korea International Education Association (KIEA) upang lumikha ng isang scholarship program para sa mga kabataang Manileño nitong Huwebes, Hulyo 17, 2025.

“It was an honor to welcome the delegation from KIEA today,” ani Vice Mayor Chi Atienza.

“Together with the City Council, led by our majority floor leader, we are passionately working to build a system that will open doors for our bright and deserving students to study in Korea. This is a direct investment in the future of our youth and our city,” dagdag pa ng bise alkalde.

Nabatid na ang nasabing inisyatiba ay magkatuwang na iminungkahi ng KIEA at ng Manila Koreatown Association upang magbigay ng komprehensibong suporta para sa mga kwalipikadong kabataang Manileño.

Ayon sa kinatawan ng KIEA, ang bisyon ng nasabing programa ay pumili ng mga kwalipikadong mag-aaral mula sa Maynila, suportahan sila sa pamamagitan ng isang scholarship, pag-aralin sila sa isang Korean university, at ikonekta sila sa mga oportunidad na makapagtrabaho sa nasabing bansa.

“We want to give the youth of Manila a real chance to live their own Korean dream,” saad ng kinatawan ng KIEA.

Nabatid na habang isinasapinal ang buong detalye ng nasabing scholarship program, ang inisyatiba na iminungkahi ng KIEA at ng Manila Koreatown Association ay naglalayong lumikha ng malinaw na landas para sa mga Pilipinong mag-aaral upang ma-access ang kalidad ng edukasyon at mga bagong kultural na karanasan.

“Moreover, by seizing this opportunity, Manila can nurture a new generation of globally competitive talent, deepen its international partnerships, and empower its students to succeed on the world stage,” saad naman ng bise alkalde.

Hinimok naman ng bise alkalde ang mga naghahangad na mag-aaral at kanilang mga pamilya na manatiling may kaalaman tungkol sa pambihirang pagkakataong ito.

(Jay Reyes)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here