MANILA, Philippines – Bagamat masama ang panahon, hindi nag-atubili ang mga jobseeker na maghanap ng trabaho kung saan dinagsa ang ikinasang job fair ng Manila LGU sa Robinsons Place sa Malate, Maynila, nitong Hulyo 18.
Sinabi ni Nemno Coscos, Admin Support ng PESO o Public Employment Service Office, na umabot na sa 1,500 ang dumating sa job fair para mag-apply ng trabaho.
Na-hire on the spot naman ang siyam sa mga ito, habang mayroon na ring nearly hire o malapit nang matanggap ngunit kailangan pang kumpletuhin ang kanilang mga dokumento para ganap nang maging empleyado sa mga kumpanyang kalahok sa job fair.
Ayon sa PESO, nagsimula ang job fair bandang alas-10 ng umaga at matatapos nang alas-4 ng hapon.
Libu-libong trabaho ang alok mula sa 32 kumpanya.
Ang mga nagtapos sa K-12 o senior high school ay puwedeng mag-apply ng trabaho sa nasabing job fair.
Puwede ang mga graduate ng K-12, senior high graduate, habang may special employment naman para sa mga PWDs.