Home NATIONWIDE P50 taas-arawang-sahod sa NCR, epektibo na

P50 taas-arawang-sahod sa NCR, epektibo na

264
0

MANILA, Philippines – Epektibo na ngayong araw, Hulyo 18, ang ₱50 increase sa daily wage sa Metro Manila, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa Facebook post noong Biyernes, sinabi ng DOLE na ang daily wage para sa minimum wage earners sa non-agriculture sector sa Metro Manila ay madaragdagan mula ₱645 hanggang ₱695.

Samantala, ang daily salary para sa mga manggagawa sa agriculture, retail/service establishments na may 15 o mas kakaunting manggagawa, at sa manufacturing establishments na may regular na empleyado na mas mababa sa 10 manggagawa ay madaragdagan mula ₱608 hanggang ₱658.

Ang ₱50 daily wage hike ay alinsunod sa Wage Order No. NCR-26, ayon sa DOLE.

Inaprubahan ito ng regional wage board noong Hunyo 30.

Nauna nang sinabi ng DOLE na nasa 1.2 milyong manggagawa sa Metro Manila ang inaasahang magbebenepisyo sa wage hike.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here