Home NATIONWIDE Panunutsya ng PCG sa Tsina sa Bajo de Masinloc, pinabulaanan

Panunutsya ng PCG sa Tsina sa Bajo de Masinloc, pinabulaanan

295
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pahayag ng People’s Republic of China na ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ay “sinasadyang nag-provoke” ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) malapit sa Bajo de Masinloc.

Binigyang-diin ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa isang Facebook post na ang CCG vessels 21550 at 5009 ang kumikilos sa karagatan ng Pilipinas nang labag sa batas noong Hulyo 15.

Noong Hulyo 15, nagsasagawa ng routine maritime patrol ang BRP Teresa Magbanua sa loob ng EEZ ng bansa nang bigla umanong humarang ang CCG vessels sa kanilang daanan.

Gayunpaman, nagbigay ang state-run media ng China ng ibang bersyon ng mga kaganapan, na sinasabing paulit-ulit na ginawa ng BRP Teresa Magbanua ang “high-speed crossings astern, na ang pinakamalapit na distansya ay mga 100 metro lamang” mula sa dalawang CCG vessel.

Naglabas ng pahayag si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada noong Biyernes na sumusuporta sa pagtanggi ng Pilipinas sa mga aksyon ng CCG sa loob ng EEZ ng bansa.

Pinuna rin ng mambabatas, na namumuno din sa Senate committee on national defense and security, peace, unification, and reconciliation, ang China sa diumano’y pagbaluktot sa salaysay upang ipakita na labag sa batas ang maritime patrol ng BRP Teresa Magbanua.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here