Boston, USA – Hulicam ang paglalambingan ng Astronomer CEO na si Andy Byron at ng HR Chief nito na si Kristin Cabot.
Sa ginanap na concert ng Coldplay sa Boston, USA nitong Hulyo 16, nahuli sa camera si Byron na niyayakap ang kanyang co-worker.
Noong una, inakala ng Coldplay frontman na si Chris Martin na magkasintahan lamang ang dalawa na enjoy na enjoy sa concert.
Nang i-pan kasi ang camera sa kanila, hindi napigilan ng vocalist na magbigay ng quick comment tungkol sa “cute couple,” pero biglang naging awkward nang kumalas ang dalawa sa yakapan.
Makikita sa video na natatawa nang awkward si Andy at ang kayakap nito.
Byron immediately hid when he saw the camera pointing at them, habang ang babae naman ay agad na umiwas.
Noong una, akala pa ni Chris na nahihiya lamang ang dalawa at sinabing, “Come on, you’re okay!”
Pero dahil sobrang awkward ng eksena, nagbiro pa siya at sinabing, “Uh oh. Either they’re having an affair or they’re just very shy.”
Trending ngayon ang nasabing video nina Andy at Kristin na kasalukuyang tumatanggap ng kaliwa’t kanang batikos at pangungutya mula sa netizens.
Byron is married to Megan Kerrigan, na napansin ng mga netizens na tinanggal ang kanyang apelyido mula sa Facebook profile matapos mag-viral ang video.
Hmmm… Mukhang anuman ang gawin mo at gaano mo man itago, mahuhuli’t mahuhuli ka kapag nangloloko ka.
What can you say about this? Leave your comments below!