Home METRO PAGASA nagbabala sa 2 metro storm surge sa Ilocos Norte, Batanes, Cagayan

PAGASA nagbabala sa 2 metro storm surge sa Ilocos Norte, Batanes, Cagayan

261
0

MANILA, Philippines — Binalaan ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Batanes, at Cagayan sa mga storm surge sa pagitan ng 1 at 2 metro dahil sa Tropical Storm Crising (international name: Wipha) at habagat nitong Sabado, Hulyo 19, sa pinakabagong update ng panahon.

“A minimal to moderate risk of storm surge may occur in the next 12 hours,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Partikular na nagbabala ang Pagasa sa mga storm surge sa mga sumusunod na lugar:

Ilocos Region

Ilocos Norte

  • Bacarra

  • Badoc

  • Bangui

  • Burgos

  • Currimao

  • Laoag City

  • Pagudpud

  • Paoay

  • Pasuquin

Cagayan Valley

Batanes

  • Basco

  • Itbayat

  • Ivana

  • Mahatao

  • Sabtang

  • Uyugan

Cagayan

  • Babuyan Group of Islands

Ayon sa pinakahuling tropical cyclone bulletin ng Pagasa, si Crising ay nagtataglay ng maximum sustained winds na aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 115 kph.

Huling namataan ang tropical storm sa layong 125 km kanluran-hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan.

Kumikilos si Crising pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph at inaasahang lalabas sa Philippine area of responsibility sa Sabado ng umaga o madaling-araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here