Home NATIONWIDE PNP nagpakalat ng 1.6K pulis sa disaster response sa bagyong Crising

PNP nagpakalat ng 1.6K pulis sa disaster response sa bagyong Crising

237
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado, Hulyo 19, na nagpakalat ito ng 1,606 police officers upang sumuporta sa mga coastal community at iba pang lugar na malaki ang banta ng landslide at flash floods dahil sa pinagsanib na epekto ng southwest monsoon at Severe Tropical Storm Crising.

Sa mensaheng ipinadala, sinabi ni PNP Information Chief, Brig. Gen. Randulf TuaƱo, na ang mga itinalagang mga tauhan ay mula sa Police Regional Offices (PROs) sa Cagayan Valley, Central Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera, Metro Manila, at Negros Island, habang ang 4,307 Reactionary Standby Support Force members ay nakaabang naman sa posible ring deployment.

Idinagdag pa niya na 13,715 evacuation centers ang tinukoy sa mga apektadong rehiyon, kung saan 207 ang kasalukuyang okupado at nagpapatuloy sa 4,594 pamilya na binubuo ng 15,301 indibidwal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here