Home NATIONWIDE Lahat ng school-related activities ngayong araw, sinuspinde ng Marikina

Lahat ng school-related activities ngayong araw, sinuspinde ng Marikina

281
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang lahat ng klase at mga aktibidad na may kaugnayan sa paaralan ngayong Linggo, Hulyo 20, dahil sa inaasahang tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng severe tropical storm (STS) Crising.

Ayon kay Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro, sakop ng suspensyon ang lahat ng antas sa public at private schools, kabilang ang face-to-face at online classes.

Kasama rin sa kanselasyon ang mga aktibidad gaya ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at National Service Training Program (NSTP).

Sinabi ni Teodoro na kaligtasan ng mga estudyante ang pangunahing isinasaalang-alang, lalo na sa panahon ng masamang panahon.

Hinikayat din niya ang publiko na manatiling alerto at subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa lokal na pamahalaan.

Bagamat nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang STS Crising nitong Sabado, Hulyo 19, ayon sa PAGASA, mananatili pa rin ang malalakas na pag-ulan dulot ng habagat sa ilang bahagi ng bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here