Home NATIONWIDE LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo – PAGASA

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo – PAGASA

273
0

MANILA, Philippines – Isang Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang may mataas na posibilidad na maging tropical depression sa loob ng 24 oras, ayon sa PAGASA.

Samantala, isa pang LPA sa PAR ang may katamtamang tsansa na lumakas.

Magdadala ang Habagat ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, at Occidental Mindoro na maaaring magdulot ng baha o landslide. Makakaranas din ng paminsan-minsang pag-ulan ang Benguet, Tarlac, Marinduque, at Oriental Mindoro.

Ang Cagayan Valley, Visayas, at nalalabing bahagi ng Luzon at Mindanao tulad ng Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, at Davao Region ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at pagkulog. Maaaring magdulot ng flash flood o landslide ang malalakas na thunderstorm.

Nagbabala rin ang PAGASA ng katamtaman hanggang malakas na hanging habagat at alon sa kanlurang bahagi ng Luzon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here