Home NATIONWIDE Publiko pinag-iingat; La Mesa at Wawa Dam, umapaw na

Publiko pinag-iingat; La Mesa at Wawa Dam, umapaw na

272
0

MANILA, Philippines – Umapaw na ang La Mesa Dam nitong Lunes matapos umabot ang tubig sa 80.16 metro, lagpas sa 80.15-meter spilling level, ayon sa PAGASA.

Posibleng maapektuhan ang mabababang lugar sa kahabaan ng Tullahan River sa Quezon City, Valenzuela, Caloocan, Malabon, at Navotas.

Umapaw din ang Wawa Dam na may taas na 135.58 metro (spilling level: 135 metro). Posibleng pagbaha sa mga lugar na malapit sa Upper at Lower Marikina River, Pasig River, San Juan River, Laguna de Bay Basin, at iba pang tributaryo.

Nagbabala ang PAGASA sa mga residente malapit sa ilog na maging alerto. Magpapatuloy ang malakas na ulan mula sa Habagat sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Pangasinan, Tarlac, at Occidental Mindoro hanggang Martes ng tanghali. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here