Home ENTERTAINMENT Ai Ai, magiging lola na, napaiyak!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai, magiging lola na, napaiyak!July 22, 2025 09:271390 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Come January 2026, magiging ganap na lola na si Ai Ai de las Alas.Buntis na kasi ang Canada-based fianceè ng anak ng Comedy Queen na si Sancho Vito, si Maria Paula Sulit.Sa video na ipinost ni Sancho, makikitang tinawag ni Paula si Sancho para pumasok sa silid ng kanilang tirahan.May ipinakita itong resulta ng test na inakala ni Sancho ay para ma-determine if Paulo has Covid.In doubt, panay ang tanong ni Sancho sa nobya: “Buntis ka?”Nang umoo ito ay nagyakapan ang magnobyo.Hindi nila napigilang maiyak.Napaiyak din ang ina ni Paula na panay sabi ng: “Oh, my God!”llang sandali pa’y ka-video call na ni Sancho si Ai Ai na tuwang-tuwa.Hiindi na rin napigilan ni Ai Ai na maiyak dahil panalangin pala niyang magkaroon ng apo.Tamang-tama naman dahil nakatakdang bumiyahe si Ai Ai sa Canada sa December.Sa Toronto isisilang ni Paula ang baby nila ni Sancho.Umaasa si Ai Ai na sana ay maging ka-birthday ng baby si Sancho who was born January 31. Ronnie Carrasco III