Isang 22-anyos na vlogger at part-time barista mula Butuan City ang nanalo ng ₱600,000 sa ISONUS promo matapos mabunot ang kaniyang entry na “FELIC” noong Hulyo 19, 2025.
Si Raffie Balaga, na pansamantalang tumigil sa pag-aaral para suportahan ang pamilya, ay nag-alay ng entry sa kaniyang ina na si Felicisima. “Gusto kong makatulong sa bayarin at sa pag-aaral ng kapatid ko,” aniya.
Inanunsyo ang panalo sa live game show na “Saan Aabot ang 1 Life Mo?” sa Muntinlupa, na ini-stream sa Facebook at YouTube at may DTI supervision.
Ang ISONUS ay isang bagong streaming platform na nagbibigay ng pagkakataong manalo ng jackpot para sa mga subscribers sa pamamagitan ng panonood ng content at pag-iipon ng tokens bilang game entries.
Ang susunod na draw ay sa Agosto 2 sa Tondo, Manila. RNT