NAGPATUPAD ng “force evacuation” ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa area ng Barangay 128 sa Tondo makaraang gumuho ang malambot na lupa sa bahagi ng Smokey Mountain dulot ng walang tigil na ulan bunsod ng habagat.
Ayon kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Dela Fuente, nasa higit 60 pamilya ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa Bldg. 18 Covered court ng Bargy. 128.







